Online News

NDCC Chairman Gilbert Teodoro, tiniyak ang tulong mula sa gobyerno

Date Posted: Thursday, November 26, 2009 Posted by: Administrator

Noong ika ng 5 ng Oktubre, lang araw matapos ang paghagupit ng bagyong Ondoy ay dumating sa bayan ng Marilao si NDCC Chairman Sec. Gilbert Teodoro, kasama sina Gen Victor Librado, Chief of Staff ng AFP at PCSupt Nicanor Bartolome, Acting PCRG ng PNP upang alamin ang kalagayan ng mga Marilenyo at tiyakin ang suporta at tulong mula sa gobyerno. Sila ay malugod na tinanggap nina Mayor Peping Guillermo, Vice Mayor Tito Santiago at ng buong bayan ng Marilao. Matapos dumalo sa isang misang pasasalamat na pinangunahan ng kura paroko na si Fr. Avelino Santos ay isang pagpupulong ang ginanap sa tanggapan ng Punong Bayan. Sa pulong ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Punong Barangay na ilahad ang kasalukuyang kalagayan at pangangailangan ng kani-kanilang nasasakupan. Ilang pagkilos at solusyon ang napagkasunduan at matapos mabatid ang lugar na pinaka naapektuhan ay tumulak ang buong grupo sa barangay Abangan Sur para sa isang medical mission.

RAQUEL PAWNSHOP INC.

5/4/2010 11:42:17 PM Job Vacancy: BRANCH APPRAISER/PERSONNEL Employee Needed: 1

RAQUEL PAWNSHOP INC.

5/4/2010 11:40:30 PM Job Vacancy: HR HEAD Employee Needed: 1