Online News

Mga Kawal ng AFP, tumulong sa rescue at relief operations ng Marilao

Date Posted: Thursday, November 26, 2009 Posted by: Administrator

Pinatunayan ng mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kagitingan at katapangan hindi sa labanan kundi sa pamamagitan ng pagtulong at pagsaklolo sa mga Marilenyo na naging biktima ng bagyong Ondoy. Sa kasagsagan ng baha ay buong tapang na sinuong ng mga puwersa mula sa Philippine Army, Air Force at PAF Reservist ang panganib upang maglikas ng mga biktima. Pagkahupa naman ng unos ay sama-sama silang kumilos at tumulong sa pagrerepack ng mga relief goods at donations hanggang sa pagdadala ng mga ito sa mga lugar na hindi marating ng maliliit na sasakyan. Pagkalipas ng ilang araw ay tuloy pa rin ang pagkilos ng mga sundalong wari ay walang pagod at paglilinis naman ng mga kalsada ang pinagkaabalahan. Hindi matatawaran ang tulong na kanilang ibinigay na lubos na pinasalamatan ng bayan ng Marilao sa pangunguna nina Mayor Peping Guillermo at Vice Mayor Tito Santiago.

To : Marilenyos

From : Public Employment Service Office

7/28/2010 12:19:31 AM

Sky Top Service...Read more