MarileNews

Humigit - kumulang 700 na batang mag-aaral, tumanggap ng Hygiene Kit.
Date posted: August 19, 2019
Post to feed:
  
 

Namahagi ng hygiene kit ang Batang Marilenyo Coordinating Center o BMCC at Marilao Executive Lions Club kasama si Municipal Administrator Wilfredo Diaz na kumatawan sa Punong Bayan sa mga estudyante sa Lambakin Annex Elementary School. Ang isang malaking bag ng hygiene kit ay puno ng iba’t-ibang uri ng panlinis ng katawan kagaya ng sabon pampaligo, toothpaste, toothbrush, suklay, alcohol, pabango at marami pang iba na makatutulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga bata.