MarileNews

Road obstructions, sinimulan nang alisin sa Marilao.
Date posted: August 09, 2019
Post to feed:
  
 

Ipinatupad na ni Mayor RS ang paglilinis ng mga road obstructions na nakasasagabal sa mga pampublikong kalsada sa Marilao. Alinsunod ito sa kautusang nais matupad ni Pangulong Duterte noong SONA na ibalik ang mga kalsada sa mga motorista. Sa patawag na pulong ni Mayor RS kasama sina Konsehal Arnold Papa at Ariel Amador, Marilao PNP, Traffic Enforcers at mga jeepney at tricycle operators upang pag usapan ang mga gagawing aksyon sa trapiko at sa mga pampublikong sasakyan na colorum at paglalabis ng sakay. Nagbukas rin ng oportunidad ang pamahalaang bayan para sa mga nagnanais maging Traffic Enforcer upang maging dagdag na pwersa para sa ikaaayos ng daloy ng trapiko sa Marilao. 

Kaugnay nito, pansamantalang tinambakan muna ang mga lubak sa kalsadang nadaraanan habang hinihintay ang pondo pangpagawa na manggagaling sa DPWH.