MarileNews

Pambayang Dalubhasaan ng Marilao, ginawaran ng 'Higher Education Institution' status ng CHED.
Date posted: July 05, 2019
Post to feed:
  
 

lpinagkaloob ni Commission on Higher Education Region 3 Director Caridad Oli Abuan kay Mayor Tito Santiago ang ‘Certificate of Recognition’ para sa Pambayang Dalubhasaan ng Marilao na kinilala bilang isang ‘duly authorized higher education institution’ sa bansa. Ayon kay PDM School Administrator Dolores Cajucom, bihira lamang sa mga pampublikong kolehiyo na binibigyan ng ganitong pagkilala dahil sa mataas na pamantayan ng CHED pagdating sa ‘standards and guidelines’ para sa pagpapatakbo ng isang kolehiyo. Ang sertipiko ay pinagtibay ng CHED noon pang Setyembre 25, 2018.