Marilao, Bulacan | Videos
Videos

Post to feed:

ALS Marilao
Alternative Learning System
Search by Category:


  Lingguhang Ulat ni Mayor Tito Santiago November 04-10, 2016
  November 04 to 10, 2016
  Pondo Para Sa Iskolar Ng Bayan Program 2016
  September 14, 2016
  Pangkabuhayan Ko, Handog Ng Tito Ko Program
  Pangkabuhayan Ko, Handog Ng Tito Ko Program
  Pondo Para Sa Iskolar Ng Bayan Program
  Sa pagpapatuloy ng Scholarhip Program ng Marilao ay muli ito nakapagbigay ng tulong at suportang pinansyal sa 357 Kabataang Marilenyong mula elementary hanggang kolehiyo. Ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mga Marilenyo na nais makapagtapos ng pag-aaral ngunit kulang sa pinansyal.
  Lingguhang Ulat ni Mayor Tito Santiago October 24-November 02, 2016
  October 24-November 02, 2016
  MSWDO - Supplemental Feeding Program
  Supplemental Feeding Program August 22, 2016
  Lingguhang Ulat ni Mayor Tito Santi October 14-20, 2016
  LINGGUHANG ULAT NI MAYOR TITO OCTOBER 14-OCTOBER 20 OCTOBER 14 (BIYERNES) SOLUSYON SA BAHA HOMEOWNERS NG CONSTANTINO SUBDIVISION, NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR TITO. Nagsadya ang pamunuan sa tanggapan ng Punong Bayan upang isangguni ang problema sa baha na palaging nararanasan sa subdivision. Isa sa nakikitang solusyon ang paglalagay ng submersible water pump na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ng Municipal Engineering Office. BAKUNA KONTRA-DENGUE MGA MAG-AARAL NG PAMPUBLIKONG PAARALAN, LIBRENG BINAKUNAHAN. Isinagawa ito ng Health Office katuwang ang Rural Health Midwife, Nurse Deployment Project Workers at Barangay Health Workers sa mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan sa Marilao. Bahagi ito ng Dengue School Based Immunization Program ng DOH upang makaiwas sila sa sakit na dengue. MDC MEETING MUNICIPAL DEVELOPMENT COUNCIL MEETING, IDINAOS. Ilan sa mga tinalakay sa nasabing pagpupulong ay ang mga naisakatuparan at isasagawa pang proyekto at programa na nakapaloob sa Annual Investment Program at 20% Development Fund para sa taong 2017. Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay at Civil Society Organizations na idinaos sa SB Session Hall ng Bahay Pamahalaan. BATANG MARILENYO MGA MAG-AARAL MULA HOLY LAMB ACADEMY, NAKIPAG-BONDING KAY MAYOR TITO. Bumisita sa tanggapan ni Mayor Tito ang mga Grade 5-7 students ng Holy Lamb Academy upang personal na makadaupang-palad si Mayor Tito. OCTOBER 15 (SABADO) BUWAN NG KOOPERATIBA COOPERATIVE FAMILY DAY, ISINAGAWA. Nilahukan ito ng mahigit 130 miyembro ng kooperatiba sa Marilao kung saan nagkaroon ng salo-salo at mga palaro. OCTOBER 17 (LUNES) PLAKE NG PAGKILALA MAYOR TITO, PINARANGALAN NG BULACAN PROBATION AND PAROLE OFFICE. Ipinagkaloob ni Chief Probation and Parole Officer Teresita Mascuñana ang plake ng pagkilala para sa suporta at tulong na naibigay ng Pamahalaang Bayan ng Marilao sa rehabilitasyon at pagbabagong-buhay ng mga preso. TESDA INSPECTION TESDA, NAGSAGAWA NG INSPECTION COMPLIANCE SA MFS TRAINING CENTER. Isinagawa ang inspeksyon sa Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center sa pangunguna ng kanilang TESDA Bulacan District Head Erlinda Sagum. Kasalukuyang sinusuri ng TESDA ang training center kung nakasusunod ito sa kanilang pamantayan partikular sa Shielded Metal Arc Welding NC II na pinamamahalaan ng mga technical staff sa pangunguna ni Executive Assistant for Training Programs Juancho Espiritu. COURTESY CALL MGA OPISYAL NG INDO-PHIL TEXTILE MILL INCORPORATED, NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR TITO. Nagsadya si G. Shanti Lal Sipani, Pramod Choudhary, Naresh Mer, at Girlie Gerardo upang personal na imbitahan si Mayor Tito na bumisita sa kanilang tanggapan. Pangunahin sa nakatakdang isasagawa ang ocular assessment ng mga bago at lumang makinaryang ginagamit ng pinakamalaking textile mill sa buong bansa na matatagpuan sa Barangay Lambakin. KARATE CHAMPION MARILAO MARTIAL ARTIST KARATEKAS, WAGI SA WASHIMEKAI PHILIPPINE COBRA 4TH KARATE-KOBUDO TOURNAMENT. Ipinakilala ni Dojo Instructor Sensei Andy Mendoza kay Mayor Tito Santiago ang mga nagwagi sa nabanggit na kompetisyon na isinagawa noong Oktubre 8, 2016 sa Paranaque City. Nasungkit nila ang Gold Medal at Silver Medal sa Adult Boys Division, Intermediate Boys, Novice Girls High School Division, at Novice Girls Grade School Division. OCTOBER 18 (MARTES) TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT PAMAHALAANG BAYAN NG MARILAO, REGIONAL WINNER SA TESDA KABALIKAT AWARDS 2016. Iniabot ni TESDA Deputy Director General Atty. Diosdado Padilla ang plake ng pagkilala kay Mayor Tito Santiago bilang natatanging LGU Partner sa promosyon at pagpapalaganap ng technical education at skills development program sa Marilao sa pamamagitan ng ating Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center. Ipinagkaloob ito sa isinagawang 2016 Recognition of Institutional Awards and 11th ASEAN Skills Competition Winners na ginanap sa Pipanganan Capampangan, San Fernando, Pampanga. Kasama sa iba pang tumanggap si Mayor Rolen Paulino ng Olongapo City at Pamahalaang Lalawigan ng Pampanga. OCTOBER 19 (MIYERKULES) DISASTER PREPAREDNESS PRE-DISASTER RISK ASSESSMENT, ISINAGAWA BILANG PAGHAHANDA KAY SUPER TYPHOON LAWIN. Pangunahing tinalakay sa pulong ang pagbibigay impormasyon sa mga barangay at ibat-ibang samahan upang magkaroon ng konkretong plano sa pagdating ng malakas na bagyo. Nagsagawa din ng imbentaryo ng kagamitan, sasakyan, at kaukulang pondo na manggagaling sa Pamahalaang Bayan, Barangay, at NGO’s. Itinalagang Incident Commander si MDRRMC OIC Dorothy Bonifacio. MARILAO RIVER SUPORTA SA MARILAO-MEYCAUAYAN-OBANDO RIVER SYSTEM, TINALAKAY SA PAGBISITA NG BLACKSMITH INSTITUTE. Inilahad ni Program Officer Marife Dapito mula Pure Earth na dating “Blacksmith Institute” –isang environment not-for-profit organization, ang pagnanais na masuportahan ang kanilang proposed resolution sa Marilao-Meycauayan-Obando River System water quality management area, mainstreaming ng toxic at hazardous wastes mitigation sa local development plans, at pagbuo ng inter-LGU toxic at hazardous wastes management council. THANKSGIVING MARILAO NORTH DISTRICT, NAGDAOS NG MAYOR’S NIGHT MATAPOS MAGKAMPEON SA EDDIS IV ATHLETIC MEET. Nagdaos ng Thanksgiving Night para kay Mayor Tito Santiago ang mga guro at mga mag-aaral na lumahok sa dalawang araw na palaro na nag-umpisa noong Oktubre 17 sa Bulacan Sports Complex. Ipinagmalaki din ni District Supervisor Dra. Maria Neriza Fanuncio na “first time” naging overall champion at humakot ng limamput-apat (54) na gintong medalya ang Marilao North District sa isinagawang athletic meet. OCTOBER 20 (HUWEBES) COURTESY CALL PNP STUDENTS MULA CAMP CRAME QUEZON CITY, NAG-COURTESY CALL KAY MAYOR TITO. Bumisita si PSupt. Restituto Lacana Jr. upang ipagbigay-alam na magsasagawa ng pag-aaral at konsultasyon ang mga piling estudyante mula PNP Camp Crame sa bayan ng Marilao. PROVINCIAL DISASTER PREPAREDNESS PAGHAHANDA SA MGA MAPAMINSALANG BAGYO, TINALAKAY SA ISANG PATAWAG NA PULONG NG PDRRMC. Nagpatawag si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado –na siya ding tumatayong Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman ng isang pulong sa lahat ng Punong Bayan at Punong Lungsod na isinagawa sa PDRRMO Building, Provincial Capitol. Tinalakay dito ang preparasyon at koordinasyon ng lokal na pamahalaan kung sakali man na may mapaminsalang bagyo na parating sa ating lalawigan.
  Lingguhang Ulat ni Mayor Tito Santi 7-13, 2016
  4TH CENTRAL LUZON REGIONAL KAB-O-REE MARILAO KAB SCOUTS, NAG-UWI NG KARANGALAN MULA SA 4TH CENTRAL LUZON REGIONAL KAB-O-REE. Nilahukan ng 19 na mga KAB Scouts, 19 na mga magulang at 9 na KAB Leaders mula sa Marilao North District ang aktibidad kung saan nagsagawa ng fun activities habang itinuturo ang tamang disiplina bilang young scouts. Kanilang nasungkit ang 3rd place sa Tower Power game, 2nd Place sa Yell at Song competition, Hit the Shot at 1st place sa Pop Balloon, Darts my boy at Blow the pop. DRUG-CLEARED BARANGAY BARANGAY PRENZA II, IDINEKLARANG DRUG-CLEARED NG MARILAO PNP. Ipinagkaloob ang Certificate of Drug-Cleared Barangay sa Prenza II matapos na mapagtagumpayan ng Marilao Philippine National Police ang isinagawang Barangay Drug Clearing Operation noong mga nakaraang buwan. Sila ang unang barangay na naideklarang drug-cleared habang ang ilan pa ay patuloy na sumasailalim sa operasyon. COURTESY CALL PONDO PARA SA PATULOY NA PAGSASAAYOS NG ESCUELA DE SANTO PADRE PIO CAMPUS BASKETBALL COURT AT CATAJAN ROAD, AGAD NA TINUGUNAN NI MAYOR TITO. Tinalakay ito sa naging pagbisita ng mga bumubuo ng samahan sa pangangasiwa ng kanilang Pangulo, Ednalynne S. Santos NVSAA MGA ATLETANG LALAHOK SA NVSAA SECTORAL MEET, NAGHAHANDA NA. Lalahukan ito ng 110 na mga mag-aaral mula sa Assemblywoman Felicita G. Bernardino Memorial Trade School. Ang National Vocational School Athletic Association Sectoral Meet ay isasagawa sa darating na Oktubre 24-25, 2016 sa Bulacan Sports Complex. Kaugnay nito, agad namang tinugunan ni Mayor Tito ang ilan sa mga kailangan ng mga atleta tulad ng transportation allowance. OCTOBER 11 (MARTES) EARTHQUAKE DRILL NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL, ISINAGAWA SA MARILAO CENTRAL SCHOOL. Bahagi ito ng programa ng MDRRMC na maituro sa mga Kabataang Marilenyo ang mga dapat gawin kung dumating ang mga sakuna gaya ng paglindol. Pangunahing itinuro sa kanila ay ang duck, cover and hold technique. SOBA 2016 MGA PROYEKTONG NAISAGAWA AT NAIPAGTAGUMPAY NG BAWAT PAMAHALAANG BARANGAY, INILAHAD SA SOBA. Tinalakay ang mga proyektong naisagawa at naipagtagumpay ng bawat pamahalaang barangay para sa ikalawang semestre ng taon sa pangangasiwa ng mga Punong Barangay. Inilahad sa pagtitipon ang kalagayan ng mga barangay sa usaping droga, batas tungkol sa mga kasambahay at ang pondong inilaan sa bawat proyekto. Isinagawa ng 15 barangay ang SOBA noong Oktubre 9, 2016 habang ang Barangay Lambakin naman ay nagsagawa noong Oktubre 7, 2016. COURTESY CALL BAGONG TALAGANG TAGASURI SA PAMAHALAANG BAYAN, NAGSADYA SA TANGGAPAN NI MAYOR TITO. Kasabay ng pagpapaalam at pasasalamat ni dating Marilao State Auditor IV, Gina Bartolome ay ang pagpapakilala ng bagong State Auditor, Cinderella Esperanza (Angeles) Santos na nagmula sa Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, Pampanga. OCTOBER 12 (MIYERKULES) MEDICAL AND DENTAL MISSION MEDICAL AND DENTAL MISSION SA BAYAN NG MARILAO, KASADO NA. Nagsadya sa tanggapan ang pamunuan upang humingi ng suporta sa isasagawang Taiwan-Philippines International Volunteer Medical Service sa darating na Oktubre 23, 2016 sa Bahay Pamahalaan ng Marilao. ZUMBA HERITAGE GROUP ZUMBA HERITAGE GROUP, NAGPASALAMAT KAY MAYOR TITO. Nagdiwang ang samahan ng kanilang ikatlong anibersaryo na lubos nilang ipinagpapasalamat kay Mayor Tito dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanila, gaya ng venue na pinagdarausan ng kanilang mga aktibidad at suportang pinansyal.
  Lingguhang Ulat ni Mayor Tito Santiago October 1-6, 2016
  OCTOBER 1 (SABADO) MOBILE PASSPORT MOBILE PASSPORT SERVICE, ISINAGAWA SA IKAAPAT NA TAON. Pinadali na ang pagkuha ng passport dahil sa inilapit na ng Department of Foreign Affairs ang pagkuha nito sa Bahay Pamahalaan ng Marilao. Mayroong 450 Marilenyong aplikante ang benepisaryo ng programa na kung saan isinumite nila ang kinakailangang dokumento upang matanggap ang kanilang pasaporte sa Oktubre 29, 2016 sa tanggapan ng Public Employment Service Office. FEDERALISM SUPPORTERS BULACAN PLAKE NG PAGKILALA, TINANGGAP NI MAYOR TITO MULA SA FEDERALISM SUPPORTERS BULACAN. Ipinagkaloob ng samahan ang plake dahil sa suportang ipinagkaloob ni Mayor Tito upang maipalaganap ang mga hakbangin sa pagbabago ng Duterte Administration. OCTOBER 3 (LUNES) MUSIC HERO SQUAD MIYEMBRO NG MARILAO COMMUNITY YOUTH BAND, PASOK SA FINALS NG MUSIC HERO SQUAD NG EAT BULAGA. Ipinamalas ni John Brian Feliciano mula Barangay Patubig ang husay sa pagtugtog ng pluta na naging daan upang makapasok siya sa finals ng Music Hero Squad ng Eat Bulaga. BUWAN NG KOOPERATIBA BUWAN NG KOOPERATIBA, IPINAGDIRIWANG SA MARILAO. Magsasagawa ng ibat-ibang aktibidad ang mga kooperatiba sa Marilao sa pakikipagtulungan ng Municipal Cooperative Development Council. Ilan sa mga gawain ay ang pagbibigay ng oxygen tank sa Abangan Sur Multi-purpose Cooperative, pagbubukas ng Talyer ng Bayan, Blood-Letting Activity, pagbibigay ng Hygiene Kit sa Marilao Jail, at ilang pagsasanay sa gawaing kooperatiba. COURTESY CALL DEPED ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR NICOLAS CAPULONG, BUMISITA KAY MAYOR TITO. WORLD ARCHITECTURE DAY IBAT-IBANG LIKHA NG MGA ARKITEKTO, BIDA SA PITONG ARAW NA EXHIBIT NG UNITED ARCHITECTS OF THE PHILIPPINES BULACAN CHAPTER. Ang exhibit ay isa lamang sa mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng "World Architecture Day." BAGONG BAYANIHAN BAHAY PAGBABAGO REFORMATION CENTER BAGONG BAYANIHAN BAHAY PAGBABAGO REFORMATION CENTER, NAGBUKAS NA. Makatutulong ang reformation center sa pagbabagong-buhay ng mga biktima ng droga na boluntaryong sumuko. Isasagawa ang ibat-ibang aktibidad kagaya ng pag-eehersisyo, gardening, values enhancement, at skills training sa pakikipagtulungan ng Marilao PNP, DSWD, TESDA, at nila Pastor Jun Dionisio at Julius Pena. TALYER NG BAYAN TALYER NG BAYAN, MAKAKAAGAPAY NA NG TRICYCLE OPERATORS AT DRIVERS SA MARILAO. Mura ang presyo ng bawat piyesa at may kagamitan din pagkumpuni na ilan lamang sa mga serbisyong maibibigay ng talyer. Matatagpuan ang Talyer ng Bayan sa Compound ng Bahay Pamahalaan na pamamahalaan ng Mahal na Senor Multipurpose Cooperative. TEACHER'S DAY WORLD TEACHERS DAY, IPINAGDIWANG NG MAHIGIT ISANG-LIBONG GURO SA MARILAO TRADE SCHOOL. Nagsagawa ng ibat-ibang aktibidad ang pagdiriwang kagaya ng mga palaro, raffle draws at libreng masahe sa mga dumalong guro upang mabigyan pagkilala sa kanilang kahalagahan at paghubog sa kabataang Marilenyo.
  Lingguhang Ulat ni Mayor Tito Santiago September 23 29, 2016
  LINGGUHANG ULAT NI MAYOR TITO SEPTEMBER 23-29 SEPTEMBER 26 (LUNES) PAGASA AWARDS 2016 MAYOR TITO SANTIAGO, KINILALANG CSC BILANG OUTSTANDING PUBLIC OFFICIAL SA BUONG REHIYON. Ipinagkaloob ni DILG Regional Director Florida Dijan, CESO kay Mayor Tito Santiago kasama si Unang Ginang Lumen Santiago ang plake ng pagkilala bilang Outstanding Public Official sa 2016 PAGASA Honor Awards Program Regional Recognition Rites ng Civil Service Commission. Kasama sa iba pang binigyan ng pagkilala ang Provincial Cooperative and Economic Development Office ng Bulacan, G. Leonardo Zapanta ng DepEd Pampanga, at G. Artemio Baylosis ng Baliwag Water District. SKILLS TRAINING 145 MARILENYO, BIBIGYAN NG LIBRENG SKILLS TRAINING NG MFS TRAINING CENTER, TESDA. Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay sumailalim sa isang oryentasyon at magsasanay sa loob ng 15 araw simula Oktubre 3, 2016 sa kursong Hairdressing NCII, Shielded Metal Arc Welding NCII, Massage Therapy NCII, Dressmaking NCII, at Electrical Installation and Maintenance NCII. SEPTEMBER 27 (MARTES) ARAW NG PARANGAL 2016 ARAW NG PARANGAL SA KAWANI 2016, GINANAP. Naging tampok sa parangal ang pagkilala sa mga kawani ng pamahalaang bayan sa tagal ng kanilang paglilingkod mula 10 hanggang 40 taon. Gayundin sa mga finalist bilang natatanging kawani sa paglilingkod –Result Producing at Result Contributing Cluster na sina Miriam Balboa ng PESO, Aurea Ramirez at Daisy Lorcha ng Health Office, at Nenita Guillermo ng Architectural Planning Office. Ito ay pinangasiwaan ng ating Human Resource Management Office. SEPTEMBER 28 (MIYERKULES) PANGKABUHAYAN PROGRAM 100 MARILENYONG SINANAY SA ENTREPRENEURSHIP DEVELOPMENT TRAINING, TUMANGGAP NG PANGKABUHAYAN PACKAGE. Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng Public Employment Service Office sa ilalim ng programang “Pangkabuhayan ko, Handog ng TITO ko.” GAMOT KONTRA-LEPTOSPIROSIS MGA RESIDENTENG APEKTADO NG PAGBAHA, BINIGYAN NG LIBRENG GAMOT KONTRA LEPTOSPIROSIS. Agaran itong ipinamahagi ng Health Office katuwang ang Rural Health Midwife, Nurse Deployment Project Workers, at Barangay Health Workers sa mga pamilyang apektado ng biglaang bahang naranasan dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong “Helen.” SEPTEMBER 29 (HUWEBES) CLEARING OPERATION CLEARING OPERATION, PANGUNAHING TINALAKAY SA ISANG AGARANG PULONG. Bumuo ng konkretong plano at gawain ang Pamahalaang Bayan sa tulong ng Provincial Engineering Office, Kapitan ng mga apektadong barangay, MAALAB CLASS 04B-2016, AIRFORCE, at iba pang mga samahan upang agarang masolusyunan ang pinsalang naidulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong “Helen.” Pangungunahan ni BFP Fire Marshall Christopher Lumiwes na siyang itinalagang Incident Commander ang Clearing Operation sa Barangay Poblacion I, Poblacion II, Ibayo, Nagbalon, Saog, at Tabing-Ilog at towing service ang tumirik na malalaking sasakyan na nakakaapekto sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway. CHOWKING NLEX MARILAO CHOWKING NLEX MARILAO, MULING BINUKSAN MATAPOS NG RENOBASYON. Personal na dinaluhan ni Mayor Tito Santiago ang aktibidad.
PreviousPage 3 of 15Next